September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Alice Guo' namataang pumipila sa airport: 'Babalik po ako agad!'

'Alice Guo' namataang pumipila sa airport: 'Babalik po ako agad!'
Photo courtesy: Screenshots from Tuesday Vargas (TikTok)

Laugh trip ang TikTok video ng komedyanteng si Tuesday Vargas matapos niyang gawan ng spoof ang umano'y pag-alis ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo mula sa Pilipinas, at napaulat daw na nasa bansang Malaysia, ayon sa pagsisiwalat ni Sen. Risa Hontiveros.

Bago pa ang spoof na ito, kilala na si Vargas sa kaniyang impersonation kay Guo, simula nang dumalo ito sa senate hearing na pinangunahan ni Hontiveros.

MAKI-BALITA: 'Tara sa farm!' Panggagaya ni Tuesday Vargas kay Mayor Alice Guo, patok

Sa kaniyang TikTok video, makikitang gumanap bilang Immigration Officer sa airport si Tuesday habang nagsasala ng mga pasaherong lalabas ng bansa. Makikitang mabusisi ang kaniyang inspeksyon sa mga papeles ng pasahero, ngunit dahil sa sufficient documents ay pinapunta pa sa iba pang mag-iinterview.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Maya-maya, isang pamilyar na babaeng kinakabahan ang lumapit sa IO.

"Pilipino po ako. Hindi po ako spy..."

"Hindi po namin tinatanong 'yan, saan po ang punta?" sansala ng IO.

"Malaysia... Malaysia!"

"Okay, how many days?" tanong pa ng officer.

"Babalik po ako agad. Ah... two days?"

"Okay, approved!" saad ng officer.

Matatandaang kinukuwestyon din ng mga netizen ang posibilidad na umalis na nga ng bansa si Guo gayong nasa watchlist siya ng pamahalaan, at paano raw ito nakalusot sa Immigration.

Sa kaniyang TikTok Live ngayong araw ng Martes, Agosto 20, sinabi ni Tuesday na nakakabahala raw ang nangyari dahil tila mockery ito ng dayuhan sa justice system at senado ng bansa. 

MAKI-BALITA: 'NASAAN BA TALAGA?' Alice Guo, nasa Pilipinas pa rin

MAKI-BALITA: 'Pag-Alice' ni Alice Guo sa bansa, dinogshow: 'Nasa Shenzhen Sorting Center'