December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'No is a full sentence!' Kylie Padilla, tinabla ang tatay niya?

'No is a full sentence!' Kylie Padilla, tinabla ang tatay niya?
Photo courtesy: Kylie Padilla (IG)/Mariel Rodriguez-Padilla (FB)

Usap-usapan ang pag-share ng Kapuso actress na si Kylie Padilla sa isang video clip na nagpapakita ng isang panayam.

Naka-emphasize sa nabanggit na video ang "No is a full sentence" na iniuugnay ng mga netizen sa pinag-usapang senate hearing ng amang si Senador Robin Padilla kaugnay ng marital rape, kausap si women's rights advocate Atty. Lorna Kapunan.

Photo courtesy: Female Quotient via Kylie Padilla (IG)

Mula ang post sa Instagram page na "Female Quotient." Hindi naman direktang ang pinag-uusapan sa video ay patungkol sa sex consent subalit naiugnay nga ito ng mga netizen sa tatay ni Kylie. 

Matatandaang iginiit ni Padilla na naniniwala ra siya sa "sexual rights" ng mag-asawa bagay na sinansala naman ni Kapunan.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Matatandaang umani ng reaksiyon at komento sa mga netizen ang naging mga pahayag ng senador patungkol sa tanong niya kay Atty. Lorna Kapunan, na may kinalaman sa pagtatalik ng mag-asawa at kung kailangan pa ba ng consent ang mister sa kaniyang misis, kaugnay sa isyung marital rape na tinatalakay sa senate hearing ng Committee on Public Information and Mass Media, na pinamumunuan ni Padilla.

Nasabi kasi ni Padilla na naniniwala siyang may sexual rights ang mag-asawa sa isa't isa, at ano raw ba ang gagawin kung in heat ang isang lalaki at ayaw naman ng babae. Baka raw kasi magdulot pa ito ng pagkakasala gaya ng pambababae o higit pa.

Sagot ni Kapunan, "No means no." Ibaling na lamang daw ng lalaki sa ibang bagay ang kaniyang "urge" para hindi niya mapagsamantalahan ang kaniyang misis, dahil puwede kasing kasuhan ng isang misis ang kaniyang mister kapag pinilit siya nitong makipagtalik kahit ayaw niya.

Samantala, humingi na ng paumanhin ang senador sa mga naapektuhan ng kaniyang mga nasabi sa senate hearing na siya mismo ang chair.

"Para din po sa inyong kaalaman ang aking committee po ay public information. Ito pong Commitee na ito sa matagal na panahon ay tulog, hindi po ito nagagamit ng tama kahit nasa constitution ang public information. Article III, Section 7 of the Constitution, which provides: 'The right of the people to information on matters of public concern shall be recognized.'"

"Ang aking pong isinasagawang mga pagdinig, sa aking bawat hearing walang pinakamahalaga kundi ang pagtatanong upang makakuha ng information dahil ang commitee ko po ay commitee of public information."

"Kung kayo po ay well informed na po sa usapin ng marital rape malaki po ang inyong maitutulong."

"Pakı share pa po ang mga ibat ibang edit ng pagdinig na ito para lalong lumaganap at mainam na sumali po kayo sa pagpapalaganap ng family code of 1988 sa ating mga kababayan na hindi inabot."

"Tandaan po natin ang well informed na bayan ay progresibo."

MAKI-BALITA: In heat si Robin: Mariel sa tukaan nila ng mister, 'Oh ayan may consent yan ah!'

Tila ipinagtanggol din siya ng kaniyang misis na si Mariel Rodriguez-Padilla matapos nitong mag-post ng larawan nila habang magkalapat ang mga labi habang nasa isang event sila. 

"Oh ayan may consent yan ah," caption dito ni Mariel, na inulan naman ng batikos mula sa netizens. 

MAKI-BALITA: Mariel, kinuyog matapos ibalandra 'tukaan' nila ni Robin

Samantala, wala pang pahayag si Kylie kung totoo ba ang sitsit ng mga netizen na birada niya ang post laban sa mga naging pahayag ng amang senador.