September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

In heat si Robin: Mariel sa tukaan nila ng mister, 'Oh ayan may consent yan ah!'

In heat si Robin: Mariel sa tukaan nila ng mister, 'Oh ayan may consent yan ah!'
Photo courtesy: Senate PRIB/Mariel Rodriguez-Padilla (FB)

Usap-usapan ang pag-flex ng TV host-online personality na si Mariel Rodriguez-Padilla sa larawan nila ng mister na si Sen. Robin Padilla habang magkalapat ang mga labi, sa isang event.

Caption dito ni Mariel, "Oh ayan may consent yan ah."

Sa comment section, mababasang nagkomento rito ang mister.

"Hello babe I'm in heat (flame emojis)," saad ng senador.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

Tugon naman ni Mariel, "It's a tie... 'I'm feeling hot hot hot."

Oh may consent yan ah - Mariel Rodriguez Padilla | Facebook

Photo courtesy: Screenshot from Mariel Rodriguez-Padilla (FB)

Matatandaang umani ng reaksiyon at komento sa mga netizen ang naging mga pahayag ng senador patungkol sa tanong niya kay Atty. Lorna Kapunan, na may kinalaman sa pagtatalik ng mag-asawa at kung kailangan pa ba ng consent ang mister sa kaniyang misis.

Nangyari ito sa pagpapatuloy ng pandinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media tungkol sa umano'y sexual harassment sa media industry, kung saan napag-usapan ang tungkol sa "rape."

Dito inilahad ni family lawyer and women’s rights advocate na nangyayari pa rin ang "rape" sa mag-asawa.

MAKI-BALITA: Padilla, naniniwalang may sexual rights sa asawa: 'Hindi mo naman pinipili kung kailan ka in heat'