December 23, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Imelda Papin bilib kina Regine Velasquez, Sarah Geronimo

Imelda Papin bilib kina Regine Velasquez, Sarah Geronimo
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Regine Velasquez, Sarah Geronimo (IG)

Inihayag ng Pinoy music icon na si Imelda Papin ang paghanga niya kina Asia’s Songbird Regine Velasquez at Popstar Royalty Sarah Geronimo.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Agosto 16, tinanong ni Boy si Imelda kung kaninong singer siya nagagalingan sa panahong ito.

“To be honest, one is Regine. Alam mo ba si Regine, tagahanga ko pala. During her first year anniversary, ako ang sinurprise sa kaniya,” kuwento ni Imelda.

“‘Yon pala si Regine ay ‘pag nasa Bulacana ako, si Daddy niya saka siya, takbo sila. Para manood sa akin. So, I  love her. And talagang hindi niya  nakakalimutan na idol niya ako,” aniya.

Musika at Kanta

Martin Nievera, may madamdaming mensahe kay Sofronio Vasquez

Dagdag pa ng batikang singer: “Of course, Sarah is doing very well. Maraming magagaling. Actually, lahat sila magagaling. They’re all good. Talagang fantastic singers.” 

Matatandaang nakilala si Imelda dahil sa mga patok niyang kanta tulad ng “Bakit (Kung Liligaya Ka Sa Piling ng Iba)” at “Isang Linggong Pag-ibig.”