Niyanig ng 5.0-magnitude na lindol sa probinsya ng Cagayan nitong Sabado ng umaga, Agosto 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:56 ng umaga.
Namataan ang epicenter nito 27 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan, na may lalim na 10 kilometro.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa City of Laoag at Pasuquin, ILOCOS NORTE.
Wala namang inaasahan ang ahensya na posibleng aftershocks ng naturang lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.