October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Willie Revillame sa tsikang tsutsugiin ang 'Wil to Win:' 'Hindi kami papayag!'

Willie Revillame sa tsikang tsutsugiin ang 'Wil to Win:' 'Hindi kami papayag!'

Pinabulaanan ng TV host na si WIllie Revillame ang kumakalat na tsismis na hanggang Disyembre na lang umano ang itatagal ng programa niyang “Wil to Win.”

Sa pagdiriwang ng unang buwan ng “Wil to Win” noong Huwebes, Agosto 15, sinabi ni Willie na hindi umano sila papayag na basta na lamang mawala ang kaniyang programa.

Ayon sa TV host: “‘Wag kayong mag-alala, hindi kami papayag na basta-basta mawala ang programang ito. Maraming tsismis, isang buwan na lang daw kami, hanggang December, hindi ho totoo ‘yon.”

“Ako ang gagawa ng paraan, hindi mahihinto ang programang ito para sa inyo,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

Bukod dito, nagpaabot din ng pasasalamat si Willie sa mga boss at staff ng “Wil to Win.”

“In behalf of TV 5 management, MediaQuest, ang aming boss si Ma’am Jane Basas, Ma’am, thank you so much, Miss Sienna Olaso, Peter Dizon, Richmond…sa lahat,” aniya.

Matatandaang tinalakay ni showbiz insider Ogie Diaz ang tungkol dito matapos niyang mabasa ang isang X post ng “Chakapuso” kung saan nakasaad na ayon umano sa kanilang source sa Media Quest, ititigil na raw ang pagpapalabas ng show ni Willie.

MAKI-BALITA: Mula 3 taon: Wil To Win sisibakin na raw, hanggang 6 na buwan lang?