September 13, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Mula 3 taon: Wil To Win sisibakin na raw, hanggang 6 na buwan lang?

Mula 3 taon: Wil To Win sisibakin na raw, hanggang 6 na buwan lang?
Photo courtesy: Wil To Win (FB)

How true na sisibakin at mamamaalam na raw agad sa ere ang kabago-bagong show ni Willie Revillame na "Wil To Win" sa TV5?

Iyan ang tinalakay ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa kaniyang "Ogie Diaz Showbiz Update" na batay naman sa nabasa niya sa X.

"Gaano katotoo, 'yong sinasabi doon sa Twitter ni Chakapuso, minsan kasi nakakadale ito ng scoop, na hindi ko alam, minsan sumasablay din eh 'no, sabi ni Chakapuso, sisibakin na sa ere ang Wil To Win!" chika ni Ogie.

Binasa ni Mama Loi ang nakasulat sa X post ng binanggit na X user posted noon pang Agosto 10.

Tsika at Intriga

Ai Ai, binatikos dahil sa pakikisawsaw sa isyu ng mag-inang Carlos, Angelica

Nasusulat, "Ayon sa aming source sa Media Quest, ititigil na raw ang pagpapalabas ng show ni Willie Revillame na 'Wil To Win.' Mula sa 3 years na kontrata, 6 months na lang ang itatagal ng show dahil sa bagsak na ads at sponsorship..."

"Hindi din nagustuhan ng pamunuan ang diumano'y pagmamaoy ng main host na si Willie Revillame sa pag-uumpisa ng show dahilan para umalis ang isa sa mga host nito. Hindi din ikinatuwa ng management ang panenermon ng ni Revillame sa mga staff at host nito."

"Sa pagtatapos na kwento ng aming source, tila sising-sisi ang kanilang pamunuan sa pagbibigay ng chance sa nasabing host. Kaya napagdesisyunan na nilang tapusin ang show na sana raw ay masaya sana pero napalitan ng lungkot at galit dahil sa panenermon ni Willie sa tauhan nito."

Sey naman ni Ogie, siyempre hindi dapat magpapaniwala sa mga nababasang scoop, chika, o balita online kaya siya mismo ang nagtanong sa isang taga-Wil To Win kung totoo ba ito.

Reply daw ng napagtanungan niya sa show, as published: "Malabo po ata nay, 3years contract at wil to win ang pinaka malakas ngayon sa network.. from super baba daw ng ratings sa oras na un sa ngayon na tumaas dahil sa show."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Willie o ng TV5 kaugnay rito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.

MAKI-BALITA: Willie uminit-ulo, pinagalitan ang production staff ng 'Wil To Win' sa ere