Nagbigay ng reaksiyon sina Faith Da Silva at Sam Verzosa kaugnay sa pang-iintriga ng publiko matapos silang maispatang magkasama sa concert ng singer at America's Got Talent Season 20 winner na si Jessica Sanchez.
Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Biyernes, Mayo 22, naurirat umano ang sina Faith at Sam tungkol sa isyu nang magkasama silang dumalo sa isang birthday party.
“Kaibigan lang kami. We’re friends. Me and Sam are friends,” saad ni Faith.
Dagdag pa niya, hindi rin daw nanliligaw sa kaniya si Sam. Nagkakilala na raw sila noon pang 2019 o 2020.
“Tapos,” pagpapatuloy ni Faith, “ngayon lang din nakapag-resurface ‘yong friendship. Kasi nga ako, hindi ako masyadong busy. "Kasi katatapos lang ng ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre,’ tapos siyempre nag-birthday ako.”
Samantala, kinumpirma naman ni Samang sinabi ni Faith tungkol sa ugnayan nila.
Aniya, “Opo [magkaibigan kami]. More than five years na.”
Matatandaang si Sam ay ex-boyfriend ng Kapuso star na si Rhian Ramos. Samantala, si Faith naman ay nakasama ni Rhian sa fantaseries na "Sanggre: Encantadia Chronicles," na kamakailan lamang nagtapos.
Maki-Balita: Sam Verzosa, Faith da Silva iniintriga dahil sa concert ni Jessica Sanchez