September 21, 2024

Home BALITA National

Dinagat Islands, niyanig ng 4.6-magnitude na lindol

Dinagat Islands, niyanig ng 4.6-magnitude na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Dinagat Islands nitong Biyernes ng umaga, Agosto 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 10:31 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 18 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Basilisa, Dinagat Islands, na may lalim na 74 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Hinundayan at Hinunangan, SOUTHERN LEYTE.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol.