September 19, 2024

Home SPORTS

Payo ni Dionisia Pacquiao kay Carlos Yulo: 'Mahalin mo ang nanay mo!'

Payo ni Dionisia Pacquiao kay Carlos Yulo: 'Mahalin mo ang nanay mo!'

Trending ang pangalan ng tinaguriang "Pambansang PacMom" na si Mommy Dionisia Pacquiao dahil sa kaniyang payo para kay two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, na may kinalaman sa naging bangayan nila ng inang si Angelica Yulo.

"Dong, Carlos Yulo, mahalin mo ang nanay mo, huwag kang magtanim, magkimkim ng sama ng loob, mahal na mahal ka sa mama mo, nanay mo," ani Mommy D.

"Mahalin mo siya sa lubusan ng pagmamahal bilang nanay, kay mahal na mahal ka niya. ‘Yan lang ang payo ko sa’yo bilang nanay,” pagdidiin pa ni Aling Dionisia.

Si Mommy D ay ina ni Pambansang Kamao at dating senador Manny Pacquiao na nagdala ng karangalan sa bansa para sa boxing.

Carlos Yulo, sumilip sa live selling ng ina?

Sa tuwing may laban si Manny ay pinipili ni Mommy D na huwag panoorin ito dahil doble raw ang sakit na nararamdaman niya lalo na kapag napapaulanan ng mga suntok ang anak.

Sa panayam kay Manny noong 2009, sinabi niyang iniaalay niya ang bawat panalo sa kaniyang mahal na ina.