September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chloe San Jose, harap-harapang tinanggihan ambush interview ni Mariz Umali

Chloe San Jose, harap-harapang tinanggihan ambush interview ni Mariz Umali
Photo courtesy: Chloe Anjeleigh San Jose/Screenshots from GMA Integrated News via Celebrity Random Updates (FB)

Tinanggihan ng partner ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Chloe San Jose ang hiling ng kilalang mamamahayag ng GMA Integrated News na si Mariz Umali na makapanayam siya, sa special coverage ng network para sa pagsalubong sa Filipino Olympians na umuwi na sa bansa nitong Martes, Agosto 14.

Makikita si Mariz habang ibinabalita ang tungkol sa pagdating ng mga atleta nang bigla niyang makita si Chloe habang nagpapa-picture sa mga fans niya.

Nang lapitan siya ni Mariz ay agad na tumanggi si Chloe bago pa man matapos ang pagtatanong ng mamamahayag sa kanya.

“Chloe, ano ang mensahe mo para sa…” paunang tanong ni Mariz.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Ay sorry, huwag na, huwag na mag-interview,” ani Chloe.

“Huwag na raw, and we respect that,” tugon naman ni Mariz at ipinalayo na ang camera na nakatutok sa kanila.

Matatandaang binabatikos si Chloe ng netizen at sinasabihang kinukuha niya ang spotlight ng jowa.

Bagay na pinalagan ni Chloe at sinabi niyang siya na mismo ang nagde-decline o tumatanggi sa mga alok na panayam sa kaniya.

MAKI-BALITA: Chloe San Jose nanupalpal; 'di pabida, mang-aagaw ng spotlight ng jowa

MAKI-BALITA: Chloe San Jose, inokray dahil sa pagsama kay Carlos Yulo sa presscon

MAKI-BALITA: Chloe San Jose, tinawag na 'papansin', 'pasikat' ng netizens