September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Herlene Budol, humagulhol nang makaharap tagahangang may cancer

Herlene Budol, humagulhol nang makaharap tagahangang may cancer
Photo courtesy: Herlene Nicole Budol (FB)

Hindi kinaya ng Kapuso comedienne-beauty queen na si Herlene Budol nang magkaharap sila ng kaniyang fan na 15-year old cancer patient.

Humagulhol ng iyak si Herlene nang magkita sila sa isang restaurant sa Greenhills habang yakap at kausap ito.

Nalulungkot si Herlene dahil tila ramdam niya ang sakit at hirap ng pinagdadaanan ng bata, lalo na nang makita niyang putol na ang kaliwang braso nito.

Naganap ang pagtatagpo ng dalawa sa awards night ng 7th Philippine Empowered Men and Women of the Year 2024 sa Teatrino Promenade Greenhills, San Juan City. Isa sa awardees si Herlene ng gabi ng Sabado, Agosto 10.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Bagama't masama ang pakiramdam dahil nilalagnat, sumugod pa rin si Herlene sa event. Timing na rin para makadaupang- palad ang masugid niyang tagahanga.

Hinatid ni awards guru Richard Hiñola kay Herlene si Jasmine Natalie Tapuick, ang maysakit na bone cancer. Siya kasi ang isa sa beneficiaries ng naturang awards night.

Photo courtesy: via Dante Lagana (Balita)

Hindi na nakaakyat ng stage si Herlene para doon tanggapin ang kaniyang award, sa halip ay umuwi na lang dahil sa sama ng pakiramdam.