May 14, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Jericho Rosales sa real-score nila ni Janine Gutierrez: 'We're going out'

Jericho Rosales sa real-score nila ni Janine Gutierrez: 'We're going out'
Photo Courtesy: Jericho Rosales, Janine Gutierrez (IG)

Nagbigay na ng pahayag ang aktor na si Jericho Rosales hinggil sa real-score nila ng “Lavender Fields” co-star niyang si Janine Gutierrez.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Martes, Agosto 13, inamin na raw ni Jericho sa isang panayam na nagde-date na raw sila ngayon ni Janine.

"Yes, we're going out," saad ni Jericho.

Sa ngayon, ini-enjoy daw ni Jericho ang bawat sandali na kasama niya ang kaniyang co-star.

Relasyon at Hiwalayan

Bea Alonzo, rumored jowang si Vincent Co naispatang magkasama sa airport

"We'll see, we shall see. You expect good things about it. It's really, really nice and happy … things are great. There's no negativity around," aniya.

Dagdag pa ng aktor: "It's fun, you gotta enjoy this fire, flame, whatever it is."

Matatandaang ilang beses nang naispatang magkasama ang dalawa kaya naman hindi nakapagtatakang mabuo ang hinala na may something sa kanila.

MAKI-BALITA:Janine Gutierrez, Jericho Rosales naispatang nagtukaan

MAKI-BALITA: Lotlot De Leon, inusisa gala ni Janine Gutierrez: 'Sino kasama mo?'

Pero wala naman daw problema ito sa ina ni Janine na si Lotlot De Leon. In fact, nababaitan umano ang ina ng aktres kay Jericho.

MAKI-BALITA: Jericho, pasado kay Lotlot bilang jowa ni Janine?

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na reaksiyon o pahayag si Janine hinggil dito.