September 18, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Engaged na! Jerald nag-propose na kay Kim, pero humingi ng pasensya

Engaged na! Jerald nag-propose na kay Kim, pero humingi ng pasensya
Photo courtesy: Nice Print Photography via Jerald Napoles (IG)

Emosyunal ang aktres na si Kim Molina nang sorpresahin siya ng wedding proposal ng kaniyang boyfriend na si Jerald Napoles sa loob mismo ng Philippine Educational Theater Association (PETA) Theater Center sa Quezon City nitong Linggo, Agosto 11.

Makikita sa social media accounts ng Nice Print Photography ang opisyal na pagluhod ni Jerald sa kaniyang jowang si Kim, na nakilala niya nang magkasama sila sa "Rak of Aegis."

Naka-tag din ito sa Instagram account ni Jerald.

Ikinagulat ni Kim ang bonggang set-up sa loob ng PETA Theater Center na pinalamutian ng mga bulaklak at may background music pa mula sa saxophone.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Sa entablado ay may neon LED signage na may mababasang "WILL YOU MARRY ME?"

Isang matamis na "yes" ang isinagot ni Kim sa kaniyang boyfriend.

Hindi matatawaran ang reaksiyon ni Kim na napaupo pa nga sa entablado at napahagulhol ng iyak. Tears of joy, 'ika nga.

Sa kaniyang speech, humingi ng paumanhin si Jerald sa kaniyang fiancee dahil umabot pa raw ng 10 taon bago niya pormal na hingin ang kamay nito, road to forever na nga. Ipinaliwanag din ng theater actor-komedyante kung bakit pinili niyang mag-propose sa PETA.

"Saudi Girl and Tondo Boy, nag-duet agad tayo nang hindi man lang tayo nag-uusap, doon tayo nagkakilala," ani Jerald.

"So this stage gave me a lot of things in my life. Progress, dreams, goals, career, a name, family, friends, newfound friends, and of course, special someone."

"Pasensiya na kung 10 taon ang inabot. Pinahilom lang siguro ng panahon, marami rin kasi tayong challenges kaya hindi rin matuloy-tuloy."

Inisa-isa ni Jerald kung kailan siya nagplanong mag-propose kay Kim subalit hindi matuloy-tuloy. This time, natuloy na rin, at naisip ni Jerald na sa PETA talaga siya nakatadhanang hingin ang kamay ng jowa kung saan sila nagkakilala.

"I've been planning to do this last year, supposedly on your birthday, but due to circumstances, hindi natuloy."

"And then I've planned to do this also on Christmas... and sa Coldplay concert kaso nagka-LBM ka, so hindi rin natuloy. The final plan was supposedly kung natuloy tayo sa Europe, mas intimate sana kung tutuusin. Baka dito talaga itinadhana kung saan tayo nagsimula, kung saan mas sincere, actually, kung dito."

Hindi naman nabigo si Jerald dahil ibinigay ni Kim ang matamis na yes para sa kaniya.

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga kaibigang celebrity at netizens para sa kanilang dalawa.

Sa kaniyang Instagram post ay ibinahagi naman ni Kim ang mga larawan nila ni Jerald.

"Back to where we first met, the exact spot where it all started.. it has always been a 'YES,' and will forever choose you. I love you, @iamjnapoles.. ."

"Maraming salamat din po to everyone who helped Jerald mount this unforgettable moment of our lives..." dagdag pa ni Kim.

Congratulations, Kimerald!