January 15, 2025

Home BALITA National

4.1-magnitude na lindol, yumanig sa Davao Oriental

4.1-magnitude na lindol, yumanig sa Davao Oriental
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 4.1 na lindol ang yumanig sa Davao Oriental nitong Lunes ng hapon, Agosto 12, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:52 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 86 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Baganga, Davao Oriental, na may lalim na 9 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol

National

Alice Guo at iba pa, posibleng makasuhan ng 62 counts of money laundering

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol.

Ayon sa Phivolcs, ang naturang lindol ay isang aftershock ng magnitude 6.8 na lindol na yumanig sa Surigao del Sur noong Sabado, Agosto 3.

MAKI-BALITA: Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol; walang tsunami threat sa PH