September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vice Ganda pagod na raw kakabuhat: Bela Padilla, dapat regular na sa It's Showtime

Vice Ganda pagod na raw kakabuhat: Bela Padilla, dapat regular na sa It's Showtime
Photo courtesy: Screenshot from It's Showtime/Kapamilya Online Live (YouTube channel)

Mukhang bet ng mga netizen na maisama na rin bilang mainstay host ang aktres-writer na si Bela Padilla sa noontime show na "It's Showtime."

Marami kasi ang napapabilib sa hosting niya at the same time, sa love and life advices na ibinibigay niya sa show, lalo na sa segment na "EXpecially For You."

Maging si Vice Ganda nga, napahanga rin sa magagandang input at insights ng aktres nang minsan silang maging co-host sa segment dahil nag-guest nga si Bela.

Biro nga ni Vice Ganda, bakit ngayon lang daw pumasok si Bela dahil hirap na hirap na raw siya kakaisip kung ano mga sasabihin sa nabanggit na segment.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Kaya sigaw ng mga netizen, sana raw ay ipasok na si Bela bilang mainstay host, tutal ay maganda ang chemistry nila ni Vice Ganda at magkaibigan sila ni Kim Chiu na isa rin sa mga host.

Kaya naman sa latest X post ni Bela, inawat niya ang isang netizen na nagsabing kailangan daw maging regular host na ang aktres sa show.

"Wag po tayo magwelga I’ll be there tomorrow " ani Bela sa kaniyang X post.

Kaya bukas ng Lunes, makakasama ulit ng madlang people si Bela.