January 15, 2025

Home BALITA National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng 4.2-magnitude na lindol ang probinsya ng Ilocos Norte nitong Linggo ng hapon, Agosto 11.

Sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 2:06 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 14 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Pagudpud, Ilocos Norte, na may lalim na 19 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

Davao City, inungusan Maynila; pangwalo sa 'worst traffic city' sa buong mundo

Intensity II - Pasuquin, ILOCOS NORTE

Intensity I - City of Laoag, ILOCOS NORTE

Wala namang inaasahang posibleng aftershocks o pinsala ng nasabing lindol.