Isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama sa Davao Oriental nitong Linggo ng madaling araw, Agosto 11, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:11 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 63 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Baganga, Davao Oriental, na may lalim na 10 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol.