September 13, 2024

Home FEATURES

Orihinal na manuskrito ng mga akda ni Rizal, mababasa na online

Orihinal na manuskrito ng mga akda ni Rizal, mababasa na online
Photo Courtesy: NHCP (FB)

Inilunsad ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang digitized version ng “Noli Me Tangere,” “El Filibusterismo,” at “Mi Ultimo Adios” ni Dr. Jose Rizal.

Sa Facebook post ng NHCP nitong Biyernes, Agosto 9, inanunsiyo nila na libre umanong mababasa ang orihinal na manuskrito ng mga nabanggit na akda ni Rizal sa memory.nhcp.gov.ph.

Ayon sa NHCP, bahagi umano ito ng nagpapatuloy nilang proyekto katuwang ang National Library of the Philippines (NLP) na idemokratisa ang mga makasaysayang dokumento upang ma-enjoy ng publiko. 

“Ang paglulunsad na ito ay bahagi ng deklarasyon ng mga nasabing manuskrito bilang National Cultural Treasure,” dugtong pa nila.

Kahayupan (Pets)

Hit-and-run survivor na pusa, 3 taon nang naghahanap ng 'FURever' home

Samantala, pangungunahan naman daw nina First Lady Liza Araneta Marcos, NLP Director Cesar Gilbert Adriano, at NHCP Chair Regalado Trota Jose, Jr. ang seremonyal na pagbisita sa mga manuskrito sa pamamagitan ng National Memory Project.

Matatandaang noong Enero ay inanunsiyo rin ng NHCP na maaari nang mabili ang facsimile ng original Spanish manuscript ng “Noli Me Tangere.”

MAKI-BALITA: Facsimile ng original manuscript ng Noli Me Tangere, ni-release ng NHCP