January 23, 2025

Home BALITA National

'May pinatatamaan?' Mga lider, 'di dapat namo-motivate ng 'cocaine, champagne' -- VP Sara

'May pinatatamaan?' Mga lider, 'di dapat namo-motivate ng 'cocaine, champagne' -- VP Sara
Courtesy: VP Sara Duterte/FB

Iginiit ni Vice President Sara Duterte na hindi umano dapat namo-motivate ang mga lider ng pera o ng “cocaine” o “champagne.”

Sa isang pahayag nitong Biyernes, Agosto 9, sinabi ni Duterte na dapat umanong naka-angkla ang “leadership” sa katapatan ng kaniyang panunumpa sa tungkulin at paglilingkot sa sambayanan.

“Leadership is faithfulness to the oath of office. Leadership is faithful service to the people,” ani Duterte.

“Leaders should only say one thing — that ‘it is done’.”

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

“Leaders should not be motivated by cash, cocaine or champagne. And, most certainly, leaders should not be made to hold champagne glasses,” giit pa niya.

Kaugnay nito, iginiit din ng bise presidente na “deserve” daw ng mga Pilipino ang mas mahusay na serbisyo.

“Again — We, Filipinos, deserve better. We, Filipinos, should be the best,” aniya.

Ang naturang pahayag ni Duterte ay nangyari sa gitna ng kaniyang panawagan sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pondohan ang infrastructure projects matapos niyang ibahagi ang kaniyang sariling karanasan sa baha.

“Dalawang beses akong nakaranas ng baha sa bahay mismo ng mga magulang ko sa Taal St., Davao City. Nasira ang mga kagamitan namin at puro burak ang kapaligiran — hindi siya nakakatuwa. Naranasan ko ring maglakad sa tubig baha na hanggang dibdib at tuluyang lumangoy na lamang — hindi siya masaya,” ani Duterte.

“Naranasan ko maging mayor at may namatay na 30 katao nang dahil sa isang flash flood — hanggang ngayon masakit pa rin sa damdamin ko ito.”

“So l am using my position, resources and platform to be the voice to show our government officials HOW TO COMMAND,” dagdag niya.

MAKI-BALITA: 2 beses nakaranas ng baha: VP Sara, nanawagang pondohan infrastructure projects