September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chloe San Jose, inokray dahil sa pagsama kay Carlos Yulo sa presscon

Chloe San Jose, inokray dahil sa pagsama kay Carlos Yulo sa presscon
screenshot: Manila Standard/Reels

"Pabida si girl" "hindi marunong lumugar" "dapat coach ang kasama"

Inokray ng mga netizen si Chloe San Jose dahil sa pagsama niya sa kaniyang boyfriend na si two-time Olympics gold medalist at Filipino pride gymnast Carlos Yulo sa isang press conference. 

BALIKAN -- Kilalanin: Chloe San Jose, ang babaeng tumambling sa puso ni Golden Boy Carlos Yulo

Sa video na inilabas ng Manila Standard patungkol doon sa presscon na isinagawa ng Arena Plus, tila hindi nagustuhan ng mga netizen ang presensya ni Chloe roon. 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Marami ang nagsasabi na dapat ang kasama ni Caloy roon ay ang kaniyang coach or trainer at hindi si Chloe. May mga nagsasabi rin na 'feeling asawa' si Chloe at ikinukumpara siya kay Jinkee Pacquiao, misis ng Pambansang kamao Manny Pacquiao.

Narito ang ilang mga komento:

"Halatang sabit sa fame yung babae e. Si jinkee never tumabi kay pacquiao o kahit sinong Ms. Universe never may kasamang bf hahaha. Baka sa hero's welcome kasama din tong kakaway sa parade o sasakay ng float? Hahaha. Anino e."

"No wonder the mother doesnt like her..Parang she is just there dahil there is a money involve.sorry to judge pero s personality ny ,i dont think he will stick to guy if wala n money.Mother knows best and the guy should not get blinded kawawa sy s huli"

"Nakakaawa nanay ni Carlos ng magsalita sya against sa nanay nya sa social media at ang buong mundo naka alam kung paano nya sirain reputasyon ng nanay nya dahil umanoy sa pera na winaldas daw ng nanay nya na walang paalam sa kanya pero dapat tanungin na lang nya ito at nasa likod pa nya ang GF nya. Ang pera kikitain mo pa Carlos pero yun mga pinagsasabi mo sa nanay mo isang kasiraan sa reputasyon ng kadugo mo na nag aruga sayo at di mo na ito maibabalik ang reputasyon ng nanay mo. Ang kasiraan na ginawa mo sa nanay mo ay kasiraan mo din yan. Respect your parents specially your nanay."

"Feeling asawa. nahiya si Madam Jinkee Pacquiao sau"

"ang hirap mong ipaglaban beh"

"Is she the manager? Does she really need to be in the interview too? Where’s the coach by the way? I think mas fit kung c coach ang anjan."

"Carlos as one of your well wishers I hope you take good care of your image. So young and so many opportunities ahead. Pag-aagawan ka ng big sports brands from shoes, apparel, drink, supplement etc.I don’t know if it’s just me but bakit katabi si girl? Unbiased opinion & I don’t judge nor condone anyone. I think it’ll be better to keep it professional. Be with your Coach, we have not seen a single interview from him. Or better go solo and embrace the spotlight. Be strategic and wise, this is a once in a lifetime experience don’t let anyone steal it away from you.Peace "

"yong dapat sya na mag advice kay Caloy na huwqg na sagutin ang Nanay nya ..aba sya tuwang tuwa pa nagkagulo ang pamilya ..."

"Why she is always there? This is not about her, kaumay... Dapat maging sensible siya, no wonder Yolo's mother doesn't like her."

"hindi marunong lumugar."

"It should be the coach beside Caloy. Not the girl. You will be the reason of his fall, girl. Chloe, you are proving the claim of aling Angge right. RED FLAG ka nga.. you should not be in the picture here.. not even a "wife"."

"dapat coach ni caloy ang kasama"

"Pabida si girl..I don’t see her with decency."

"Hidilyn Diaz 's fiance that time was happy to celebrate her win behind the scenes. Is there really a need for her to be that visible and ... wearing that jacket like one of our athletes??"

"Sana coach n lng sinama atleast ma isshare un ngyare during competition."

SAMANTALA, kung babalikan, naging matunog ang pangalan ni Chloe ngayon, after manalo ni Caloy at dahil na rin sa mga controversy na sinabi ng mother ni Caloy tungkol sa kaniya.

Nabanggit ni Angelica sa isang panayam na bukod sa usaping pera, isa sa mga hindi nila pinagkakasunduan ng anak ay dahil kay Chloe, na feeling daw ng madir ay inilalayo ang anak sa kanila.

MAKI-BALITA: Pasabog! Ermat ni Carlos Yulo, sinisisi ang jowa ng anak kaya nagkagalit sila??

Bilang buwelta sa sinabi ng kaniyang "future mother-in-law," nagpakawala ng isang makahulugang Facebook post si Chloe.

Aniya, "mother dear i'm gonna hold your hand when i say this... pero wait ka lang, tapusin lang po namin yung vault finals—paki-on na your comment section po ah, di yung nag dedelete ka pa + off com sec."

Ginaya rin niya ang kontrobersiyal umanong post ni Angelica na pumapabor sa nakalaban ni Carlos mula sa Japan na si Shinnosuke Oka na siyang nakasungkit ng gold medal habang pang-12 puwesto ang anak.

"japan pa din talaga.. lakas! but malakas din naman si Carlos Edriel Yulo, GOD IS WITH HIM," aniya.

MAKI-BALITA: Dahilan ng sigalot? Jowa ni Carlos Yulo, pinalagan ang 'future mother-in-law'

Dahil sa post na ito ni Chloe, halo-halo tuloy ang tingin ng netizens ukol sa kaniya. May mga nagpayo sa kaniyang kahit na anong ipukol daw sa kaniya ng ina ng kaniyang boyfriend ay huwag na lamang itong patulan, dahil "kabastusan" daw ito sa magiging biyenan niya sa hinaharap.

May mga nagsasabi namang tama lang ang ginagawa niya dahil nakakaladkad ang pangalan niya sa naging pahayag sa panayam ng ina ni Caloy.

Samantala, nagsalita na si Caloy tungkol sa mga sinabi ni Angelica tungkol kay Chloe.

Alam ni Carlos na una pa lamang ay hindi na bet ng ina ang jowa para sa kaniya, kaya hinuhusgahan nito ang pananamit at akto ng pagkilos.

Sinabi ni Carlos na may sariling income o pinagkakakitaan ang kasintahan kaya hindi raw totoong "huhuthutan" lang daw siya ng pera nito.

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, pinabulaanan mga pahayag ng ina laban kay Chloe San Jose

Humingi naman ng tawad ang kaniyang ina matapos niyang punahin si Chloe.

Sa ginanap na press conference nitong Miyerkules, Agosto 7, sinabi ni Angelica ang dahilan kung bakit niya pinuna ang jowa ng anak.

“Ako ay isang ina na nasaktan dahil ang mabait na anak na pinalaki ko nang maayos at mabuting tao ay hindi na nakikinig sa mga paggabay ng magulang,” saad ni Angelica.

“Kung mali na naging mapagpuna ako sa nobya mo, humihingi ako ng patawad, dahil nanay lang ako na nag-aalala. Matanda ka na, kaya mo nang magdesisyon para sa sarili mo,” wika niya.

MAKI-BALITA: Angelica Yulo sa pagpuna sa jowa ng anak: 'Ina lang ako na nag-aalala'