Ibinahagi ni Kapuso star Bea Alonzo kung anong klaseng ina ang gusto niyang maging kapag nagkaroon na siya ng mga anak in the near future.
Sa latest episode ng âFast Talk with Boy Abundaâ noong Huwebes, Agosto 8, ipinasilip ni Boy ang bahagi ng panayam niya kay Bea sa âMy Mother, My Story.â
âWould you be a strict mother?â usisa ni Boy.
âI think so,â sagot ni Bea, âbecause it really helped me a lot growing up, especially sa dynamic namin, because I was a breadwinner.â
âSo Iâve seen actors and actresses na dahil naging breadwinner na sila they would call the shots in their family. But youâre very young so you donât know any better,â wika niya.
Dagdag pa ng aktres: ââYong sa pamilya naming dynamic, never changed. She was still the mother even though I was providing.âÂ
Sa palagay ni Bea, kung hindi raw naging ganoân ang nanay niya, malaki ang posibilidad na mag-iba ang personality niya kumpara sa kung ano ang personality na mayroon siya ngayon.
âShe was very adamant, she was very headstrong in saying na âI am the mother,ââ saad pa ng aktres.
Samantala, mapapanood ang kabuuang episode ng âMy Mother, My Storyâ sa darating na Linggo, Agosto 11, 3:15 ng hapon.