October 05, 2024

Home SPORTS

Carlos Yulo, may free plain rice sa isang chicken fast food chain; netizens, nag-react

Carlos Yulo, may free plain rice sa isang chicken fast food chain; netizens, nag-react
Photo courtesy: Coop's Boneless Chicken (FB)/via Manila Bulletin Sports

Kinaaliwan ng mga netizen ang announcement ng isang chicken fast food chain na may branch sa Novaliches, Quezon City at Sta. Ana, Manila dahil sa kanilang incentive kay two-time Olympics gold medalist Filipino pride gymnast Carlos Yulo.

Mababasa sa kanilang opisyal na Facebook page, dahil sa uwing dalawang gintong medalya ni Yulo sa bansa ay may token of honor sila sa kaniya na free plain rice kapag magda-dine-in siya sa kanila.

"Congratulations to Carlos Yulo for winning 2 gold medals! Your dedication and hard work continue to make us proud!" mababasa sa kanilang caption.

Sa pubmat naman, mababasa ang ganito: "Congratulations CARLOS YULO! Ibang klase ka talaga for winning 2 Gold Medals! As a token of honor, we're giving you FREE PLAIN RICE when you dine-in."

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Dagdag pa nila, "Just add up P15 to upgrade to Garlic Rice."

Narito naman ang reaksiyon at komento ng netizens:

"Aruy! Ginamit pa picture nya para sa marketing."

"Ang generous. Di ba kayo malulugi diyan."

"Kakahiya naman kay Carlos Edriel Yulo, mag lalabas pa ng kinse para sa Garlic Rice."

"Ayos libre na kanin dala nlang ng sariling ulam hehehe."

"hahahhahaaha woow bihira ung may free plain rice"

"Mahal bigas ngayon huwag na maarte, okay na 'yan hahaha."

"Sarcasm ba 'to?"

"Naku hindi kayo papansinin ni Caloy, kasi may lifetime free buffet nga siya eh."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay pumalo na sa 2.8k laugh reactions, 464 shares, at 156 comments ang nabanggit na post.