September 19, 2024

Home BALITA National

PBBM sa mataas na ratings niya sa latest survey: 'It's nice to know'

PBBM sa mataas na ratings niya sa latest survey: 'It's nice to know'
Photo Courtesy: Bongbong Marcos (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. hinggil sa latest OCTA Research Survey kung saan ang 31% Pilipino raw na maka-Marcos noong Marso ay nadagdagan ng 5% noong Hunyo.

Sa panayam ng mga media personnel nitong Miyerkules, Agosto 7, sinabi ni Marcos, Jr. na maganda raw malamang nagsisimula na umanong maunawaan ng sambayanan ang sinusubukang gawin ng pamahalaan.

Ayon sa kaniya: “I have to say that it is nice to know that people are beginning to understand what we are trying to do.” 

“And I think that maybe because hindi kami nagde-decide dahil para sa magandang survey. Nagde-decide kami para sa magandang buhay ng Pilipino,” dugtong pa ng pangulo.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Samantala, ayon din sa OCTA na mula 20% noong Marso, bumulusok sa 16% ang mga Pilipinong kinikilala ang mga sarili bilang maka-Duterte pagsapit ng buwan ng Hunyo.