September 20, 2024

Home BALITA Metro

Grade 11 student, itinangging nanghalay ng menor de edad: 'Girlfriend ko po siya'

Grade 11 student, itinangging nanghalay ng menor de edad: 'Girlfriend ko po siya'
freepik

Itinanggi umano ng isang 19-anyos na Grade 11 student na hinalay niya ang 15-anyos na dalagita. 

Sa ulat ng ABS-CBN news, naaresto ng awtoridad, sa bisa ng warrant of arrest, ang Grade 11 student na wanted umano sa kasong statutory rape. 

Nangyari umano ang panghahalay noong Pebrero kung saan agad na dumulog ang mga magulang ng dalagita sa istasyon ng Anonas Police ngunit natagalan ang paghahanap sa suspek dahil sa pagtatago umano nito.

“Namataan ng tropa itong suspek kaya ‘yun po immediately ineffect natin ‘yung warrant of arrest... Nagtago muna ito kaya nga nung isinampa ‘yung kaso sa kanya hindi siya agad nahuli,” saad ni Police Lieutenant Colonel Zachary Capellan, hepe ng Anonas Police.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Doon sa imbestigasyon itong suspek at ‘yung biktima nagkakilala bandang February. Kasalukuyan noon may pagkakataon hindi umuwi ang biktima at nung nagkataon nakauwi na ang biktima agad agad nagsumbong sa magulang niya at ‘yun nga sinumbong may nangyari nagalaw siya ng dalawang beses," dagdag pa ni Capellan.

Samantala, dagdag pa ng ulat, sinabi ng suspek na hindi niya alam na may arrest warrant siya.

"Hindi ko po siya pinilit," saad ng suspek. “Girlfriend ko po siya. Ayaw po kasi sa akin ng mga magulang niya po pero po gusto po ako ng girlfriend ko."

Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek sa Anonas Police Station.