January 15, 2025

Home BALITA National

5.8-magnitude na lindol, yumanig sa Davao Oriental

5.8-magnitude na lindol, yumanig sa Davao Oriental
Courtesy: PAGASA/FB

Yumanig ang isang magnitude 5.8 na lindol sa Davao Oriental nitong Martes ng hapon, Agosto 6, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:39 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 66 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Baganga, Davao Oriental, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Nabunturan, DAVAO DE ORO.

National

OVP, inanunsyong wala silang budget sa kanilang medical at burial assistance program

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol.