September 18, 2024

Home SPORTS

French pole vaulter natalo matapos sumabit ang 'notabels' sa bar

French pole vaulter natalo matapos sumabit ang 'notabels' sa bar
Photo courtesy: Screenshots from Matt Mariano (FB)

Viral ang video ng pambato ng France na si Anthony Ammirati matapos mabigong manalo para sa pole vault event dahil sa isang bahagi ng katawan niyang sumabit sa bar.

Kitang-kita sa video ang pagdikit muna ng kaniyang mga tuhod sa bar bago ang kaniyang "kaligayahan," na naging dahilan para mapurnadang makasungkit ng medalya sa nabanggit na kompetisyon sa 2024 Paris Olympics.

Naging "katatawanan" naman ito sa social media dahil tila sa pagkakataong ito ay hindi raw nakatulong sa atleta ang pagkakaroon ng malaking pag-aari dahil ito pa raw ang dahilan kung bakit siya natalo sa nabanggit na kompetisyon.

Facebook

DepEd Sec. Angara na-starstruck kay EJ Obiena: 'We are proud of you!'

Samantala, si Carlos Yulo naman ng Pilipinas ang nakasungkit ng gintong medalya para sa vault finals, kaya dalawang gintong medalya na ang hawak niya at ng bansa sa Olympics.

Dahil dito, dumoble na rin ang mga premyo at cash incentives na matatanggap niya.