September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Angeli Khang, pangarap maging pastora noon

Angeli Khang, pangarap maging pastora noon
Photo Courtesy: Screenshot from Toni Gonzaga (YT), Angeli Khang (IG)

Tila malayo sa kasalukuyan niyang ginagawa ang childhood dream ng Vivamax sexy actress na si Angeli Khang.

Sa latest episode kasi ng “Toni Talks” noong Linggo, Agosto 4, inusisa ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga si Angeli kung ano ang pangarap nito noon.

Ayon kay Angeli: “Noong super-super bata pa ako, since ‘yong house namin sa pinakailalim, ginawa naming church parang Vineyard of Jesus Christ. 

“Ang dami kong nakikitang pastor, pastora. Ta’s ang sasaya, nagka-clap pa.Sabi ko sa mom ko: ‘Ma. paglaki ko gusto kong maging pastora. Ta’s tuwang-tuwa sa akin ‘yong mga pastor,” dugtong pa niya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Hindi naman nakapagtataka kung magkaroon ng ganitong pangarap si Angeli. Matatandaang sa isang panayam noong Abril ay ibinahagi niya na isa umanong pastora ang kaniyang ina samantalang heneral naman ang ama niya.

Sa katunayan, iba raw ang plano ng mga magulang niya para sa kaniya at hindi raw talaga gusto ng mga ito ang pagpasok niya sa showbiz industry.

Pero sa huli, nang makita raw ng kaniyang ina ang passion niya sa pag-arte ay sinuportahan na lang din daw siya nito.

Samantala, bukod sa maging pastora,. dumating daw sa punto na ginusto rin daw ni Angeli na maging flight attendant. Naisip niya ring mag-doctor at mag-abogado.

MAKI-BALITA: Heneral na ama, pastor na ina ni Angeli Khang, ‘di bet pag-aartista niya