November 24, 2024

Home BALITA National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.7 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Linggo ng hapon, Agosto 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 1:25 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 159 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Caraga, Davao Oriental na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahang posibleng aftershocks o pinsala ng nasabing lindol.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Ayon pa sa ahensya, ang naturang lindol ay isang aftershock ng magnitude 6.8 na lindol na yumanig sa Surigao del Sur nitong Sabado ng umaga, Agosto 3.

MAKI-BALITA: Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol; walang tsunami threat sa PH