September 20, 2024

Home SPORTS

Dalawang gold medalists: Hidilyn Diaz, nagpaabot ng pagbati kay Carlos Yulo

Dalawang gold medalists: Hidilyn Diaz, nagpaabot ng pagbati kay Carlos Yulo
Photo courtesy: Hidilyn Diaz (IG)

Nagpaabot agad ng pagbati ang kauna-unahang Filipino athlete na nakasungkit ng gintong medalya sa Olympics na si Hidilyn Diaz para kay Carlos Yulo na kauna-unahang atletang nanalo ng gintong medalya sa nagaganap na 2024 Paris Olympics, para sa floor exercise ng men's artistic gymnastics.

Si Diaz ay nagwagi naman ng gintong medalya sa 2020 Tokyo Olympics para sa kategoryang women's weightlifting.

Mababasa sa Instagram post ni Hidilyn, "Para sa iyo Caloy,

"Proud ako sa iyo. I enjoy mo ang bunga ng pinagpaguran mo. At lagi mong ibabalik - sa Diyos at bayan, dahil lahat ng tagumpay natin ay hindi pansarili. Salamat sa lahat ng maganda at mabuting ginagawa at gagawin mo pa para sa Diyos at bayan!"

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

"Congratulations!"

"Nandito lang ang Ate Haidie mo para sa iyo lagi!"

Bukod dito, ibinabahagi rin ni Hidilyn ang iba't ibang posts patungkol kay Yulo.

MAKI-BALITA: ₱24M na condo sa BGC, naghihintay na kay Carlos Yulo