October 06, 2024

Home SPORTS

Bukod sa buffet: Carlos Yulo, may lifetime free food & drinks din sa isang resto

Bukod sa buffet: Carlos Yulo, may lifetime free food & drinks din sa isang resto
Carlos Yulo (AP via MB)

“You’ve earned it, champ!”

Bukod sa lifetime free buffet ng Vikings, binigyan din ng restaurant na Tipsy Pig Gastropub si Pinoy gymnast Carlos Yulo matapos ang makasaysayang pagkapanalo nito ng gintong medalya sa Paris Olympics 2024.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Tipsy Pig na maaaring i-avail ni Yulo ang kaniyang lifetime free food and drinks sa lahat ng kanilang branches.

“Carlos Yulo flips for gold, we flip for joy!” anang Tipsy Pig sa kanilang post.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

“Celebrate with lifetime of food and drinks on the house! You’ve earned it, champ!” dagdag pa.

Matatandaang nitong Sabado, Agosto 3, nang magbunyi ang mga Pilipino matapos masungkit ni Yulo ang kauna-unahang ginto sa 2024 Paris Olympics nang manguna siya sa floor exercise ng men's artistic gymnastics sa puntos na 15.000.

Kaugnay nito, inanunsyo rin ng Vikings Luxury Buffet restaurant na pinagkakalooban nila ng lifetime free buffet si Yulo dahil sa kaniyang kasaysayang ginawa sa mundo ng Olympics.

MAKI-BALITA: Lifetime free buffet, ipinagkaloob kay Carlos Yulo

Samantala, inihayag ng Kamara na pagkakalooban nila ng ₱3 milyon si Yulo bilang pagkilala sa kaniyang naging makasaysayang tagumpay.

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, makatatanggap ng P3M mula sa Kamara

Narito pa ang mga “ginintuang premyo” na naghihintay sa Pinoy champ na si Yulo:

BASAHIN: Bukod sa medalya: Nag-uumapaw na 'ginintuang premyo,' naghihintay kay Carlos Yulo