January 15, 2025

Home BALITA National

Surigao del Sur, niyanig ng 6.1-magnitude na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng 6.1-magnitude na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng 6.1-magnitude na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur dakong 12:20 ng tanghali nitong Sabado, Agosto 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 90 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Lingig, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Ayon sa Phivolcs, ang naturang lindol ay isang aftershock ng magnitude 6.8 na lindol na yumanig sa Surigao del Sur dakong 6:22 ng umaga nitong Sabado.

National

OVP, walang pondo sa kanilang medical and burial assistance program

MAKI-BALITA: Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol; walang tsunami threat sa PH

Samantala, wala namang inaasahan ang ahensya na posibleng aftershocks ng naturang lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.