September 20, 2024

Home SHOWBIZ

Gusot nina Angelu De Leon, Claudine Barretto 'di pa rin naaayos

Gusot nina Angelu De Leon, Claudine Barretto 'di pa rin naaayos
Photo Courtesy: Claudine Barretto (IG), Screenshot from GMA Network (YT)

Nagbigay ng pahayag si “Pulang Araw” star Angelu De Leon tungkol sa status ng gusot nila ng kapuwa niya aktres na si Claudine Barretto matapos siyang tanungin ni Asia’s King of Talk Boy Abunda tungkol dito.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Angelu na wala pa raw silang pagkakataon ni Claudine para mag-usap at magkaayos.

“Ang katanungan ng bayan ay kayo ba ay nagkausap na; kayo ba ay nagkaayos na?” usisa ni Boy.

“Wala pang pagkakataon pero umaaasa pa rin ako umaasa pa rin ako na darating ‘yong panahon na ‘yon,” tugon ni Angelu.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matatandaang nagsimula ang isyu ng dalawa nang tahasang sabihin ni Claudine na ayaw daw niyang makasama si Angelu sa pelikula.

MAKI-BALITA: Hindi ako suplada, maldita ako: Claudine ayaw makasama si Angelu sa movie

Samantala, lalo namang naintriga ang mga netizen nang sunod-sunod na nagbahagi ng mga quote si Angelu sa kaniyang Instagram story noong mga sumunod na araw.

MAKI-BALITA: Mga pa-quote ni Angelu, parinig kay Claudine?