Usap-usapan ang mga ibinahaging quotes ng aktres na si Angelu De Leon sa kaniyang Instagram stories, na ipinagpapalagay ng mga netizen na sagot daw niya sa naging tirada kamakailan ni Claudine Barretto patungkol sa kaniya.

Matatandaang tahasan at prangkang sinabi ni Clau na hindi niya gugustuhing makasama sa isang reunion project si Angelu, nang matanong siya ni Gladys Reyes tungkol sa isang posibilidad na magkasama-sama sila sa isang pelikula nina Judy Ann Santos.

"Malditang" sey ni Claudine, papayag siya kung silang tatlo lamang nina Gladys at Juday, pero kung kasama si Angelu, hindi siya papayag.

"No. Ako, Gladys Reyes at Judy Ann Santos. Nagsasabi lang ako ng totoo. Tayong tatlo lang 'yon. Hindi ako suplada, maldita ako... huwag lang si Angelu, alam niya 'yon."

National

De Lima, sinagot pahayag ni Go na pinapalakpakan noon drug war: ‘Noon, maraming takot!’

Parehong dumalo ang dalawa sa pagdiriwang ng 20th wedding anniversary nina Gladys at mister na si Christopher Roxas, kaya for sure ay narinig ni Angelu straight ang mga pasaring ni Claudine.

Sa latest episode ng "Cristy Ferminute" nitong Lunes, Enero 29, sinabi ni Cristy na talagang imbyerna si Claudine kay Angelu dahil dalawang beses na raw siya nitong binanatan.

Ang una raw dito ay tungkol sa away-magkakapatid ng mga Barretto, na iniisip ni Claudine kung bakit nangingialam ito gayong hindi naman siya kasali.

"Ang punto ni Claudine, kung hindi ka kasali, huwag kang makisawsaw," anang Cristy.

Anyway, mababasa sa quote art cards na ibinahagi ni Angelu, "FORGIVENESS IS GRACE GRANTED BY THE HOLY SPIRIT . THE SPIRIT-FILLED KNOW WHAT IT IS TO FORGIVE FASTER THAN OTHERS CAN APOLOGIZE."

Photo courtesy: Angelu De Leon/IG

Sa pangalawa naman, "DO THE NEW YOU."

"Let us not become weary in doing good."

Photo courtesy: Angelu De Leon/IG

Samantala, wala pang direktang tugon, reaksiyon, o pahayag si Angelu hinggil sa mga nasabi ni Claudine.

MAKI-BALITA: Hindi ako suplada, maldita ako: Claudine ayaw makasama si Angelu sa movie