November 24, 2024

Home BALITA National

6.0-magnitude na lindol, yumanig sa Davao Oriental

6.0-magnitude na lindol, yumanig sa Davao Oriental
Courtesy: Phivolcs/FB

Isang magnitude 6.0 na lindol ang yumanig sa probinsya ng Davao Oriental nitong Sabado ng umaga, Agosto 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:38 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 103 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Baganga, Davao Oriental, na may lalim na 10 kilometro.

Ayon sa Phivolcs, ang naturang lindol ay isang aftershock ng magnitude 6.8 na lindol na yumanig sa Surigao del Sur dakong 6:22 ng umaga nitong Sabado.

National

Enrile matapos ‘banta’ ni VP Sara kay PBBM: ‘It seems, some people want a regime change’

MAKI-BALITA: Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol; walang tsunami threat sa PH

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng naturang lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.