Naispatan sina Senador Win Gatchalian at girlfriend niyang si Bianca Manalo na nagtukaan sa huling talumpati ni Department of Education (DepEd) secretary Sonny Angara sa Senado kamakailan.
Sa Instagram post ni Angara, ibinahagi niya ang larawan kung saan naispatan ang magkasintahan.
"Madami palang na enganyo sa huling talumpati ko sa Senado — I was told I bring people together," saad ni Angara.
Nag-comment naman si Bianca naturang post, aniya: "Oh my gosh"
Sey naman ni Win, "Hahaha! Bagsak kami sa good manners and right conduct Mr. Secretary. I didn't see the camera was focused to the back."
Kaniya-kaniya namang komento ang mga netizen.
"#SonnyAll!"
"Walang po tamang oras at tamang lugar sa mga taong nagmamahalan Kuyang Boss Sec!"
"Hahahaha nakakaloka "
"Ang puso ng senado"