January 15, 2025

Home BALITA National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng umaga, Agosto 2, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 7:36 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 45 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks o pinsala ng nasabing lindol.

National

Alice Guo at iba pa, posibleng makasuhan ng 62 counts of money laundering