January 15, 2025

Home BALITA National

Habagat, thunderstorms, magpapaulan sa bansa -- PAGASA

Habagat, thunderstorms, magpapaulan sa bansa -- PAGASA
Courtesy: PAGASA/FB

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang southwest monsoon o habagat at localized thunderstorms ang inaasahang magpapaulan sa bansa ngayong Biyernes, Agosto 2.

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magdudulot ang habagat ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, at Palawan.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, malaki ang tsansang magdala ang localized thunderstorms ng medyo maulap na kalangitan na may kasamang pulo-pulong pag-ulan o thunderstorms ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.

National

OVP, walang pondo sa kanilang medical and burial assistance program

Posible rin daw ang pagbaha o pagguho ng lupa sa nasabing mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).