September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Matapos ang scandal? Mark Anthony Fernandez, tinanggal sa isang show

Matapos ang scandal? Mark Anthony Fernandez, tinanggal sa isang show
Photo Courtesy: Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Tinanggal daw ang aktor na si Mark Anthony Fernandez sa TV series ng Viva One na “The Rain in España” matapos umanong kumalat ang video scandal niya.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, sinabi ni showbiz insider Ogie Diaz na si Dominic Ochoa umano ang ipinalit kay Mark.

“Mukhang malaki ang naging epekto nito sa kaniya ‘yong eskandalong lumabas. Bigla na lamang siyang tinanggal. According to my source, tinanggal si Mark Anthony Fernandez do’n sa “Rain in España” starring Marco Gallo and Heaven Peralejo,” saad ni Ogie.

“At ang nakarating sa akin siya ay pinalitan ni Dominic Ochoa. Nakakaloka. Ang sinabi lang na rason e dahil din po sa lumabas [na video scandal],” wika niya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dagdag pa ng showbiz insider: “Syempre, hindi rin natin masisisi si Mark kung talagang compilation lang niya ‘yon kaya lang e lumabas.”

Kaya paalala niya, huwag na raw i-video pa kung may gagawin mang “kababalaghan” kasama ang partner dahil posibleng dumating sa punto na ikalat nito ang nakunang video.

Matatandaang nagkandarapa ang mga accla sa X noong hulyo 23 matapos daw mapanood ang video scandal ni Mark.

MAKI-BALITA: Mark Anthony Fernandez, may kumakalat na maselang video?