October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vice Ganda, ginaya panenermon ni Willie sa hosts, staff ng Wil To Win

Vice Ganda, ginaya panenermon ni Willie sa hosts, staff ng Wil To Win

Usap-usapan ang paggaya ni Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda sa trending na panenermon ni "Wil To Win" host Willie Revillame sa hosts at production staff ng show dahil sa mga pagkakamali nila habang napapanood nang live sa telebisyon.

Sa segment na "EXpecially For You," kunwari ang kausap niya ay ang lalaking searchee na makatatanggap daw ng cash na ₱10k mula sa kaniya. Kunwari din ay pinagalitan niya si Dumbo matapos dumaan sa harapan ng camera.

"At hindi lang 'yan, meron pa kaming sorpresa para sa 'yo. Matapos ang panayam na ito, tatanggap ka ng 10,000 pesos! Huwag mong sasabihing pesos, cash ang sabihin mo," kunwari ay sabi niya sa co-host na si Jhong Hilario.

"10,000 cash!" segunda naman ni Jhong.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

"Dina-dry run kayo rito... Dumbo, dadaan ka pa sa camera ha?"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Willie kaugnay sa spoof sa kaniya ni Vice Ganda.

MAKI-BALITA: Willie uminit-ulo, pinagalitan ang production staff ng 'Wil To Win' sa ere