Nagbigay ng paunang detalye si dating Vice President Leni Robredo kaugnay ng “And So It Begins”, ang documentary film na nakasentro sa kaniyang naging presidential campaign noong 2022 national elections.
Sa isang Facebook post nitong Martes, Hulyo 30, ibinahagi ni Robredo ang poster ng “And So It Begins.”Mababasa naman sa naturang poster ang katagang: “Mahirap ba talagang mahalin ang Pilipinas?”
Sa direksyon ni Ramona Diaz, mapapanood na raw ang “And So It Begins” sa Philippine theaters sa darating na Agosto.
“‘AND SO IT BEGINS': ARRIVING THIS AUGUST ,” ani Robredo sa kaniyang post.
Ilalabas naman daw ang official trailer ng naturang documentary film sa Miyerkules, Hulyo 31.
Matatandaang tumakbo si Robredo bilang pangulo ng bansa noong 2022 national elections kung saan isinulong ng kaniyang mga tagasuportang tinawag na “Kakampinks” ang People’s campaign.