September 20, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Robby Tarroza, may ibinuking sa relasyon kay Joed Serrano: 'First week, nag-cheat na siya!'

Robby Tarroza, may ibinuking sa relasyon kay Joed Serrano: 'First week, nag-cheat na siya!'
Photo courtesy: via PEP/Screenshot from Romel Chika vlog (YouTube)

Inamin ng aktor-producer na si Robby Tarroza na ang unang nakarelasyon niyang lalaki sa showbiz ay si Joed Serrano na nakasama niya noon sa "That's Entertainment" ng yumaong TV host-talent manager na si German Moreno o "Kuya Germs."

Si Robby ay naging kontrobersiyal noong 2023 nang sabihin niyang hindi kasal ang yumaong rapper na si Francis Magalona kay Pia Magalona, matapos lumutang ang umano'y anak nito kay Abigail Rait na si Francesca Rait.

MAKI-BALITA: Rebelasyon ng concert producer: Pia, di kasal kay Francis M?

MAKI-BALITA: Francis M sumaya sa piling ng iba, di kaya ugali ni Pia — producer Robby Tarroza

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

MAKI-BALITA: Robby Tarroza sa 'kasal' nina Francis M, Pia: 'In short, kabit si Kiko sa papel!'

Kuwento ni Robby sa vlog ni Romel Chika, si Joed daw ang unang nanuyo sa kaniya noon. Lagi raw itong may dalang flowers at chocolates sa kaniya na idinadala pa sa kaniyang tinutuluyan noon sa Makati.

Nang tanungin ni Romel kung nagka-in-love-an sila ni Joed, naniniwala si Robby na dala lang ng "lust" ang nangyari sa kanila ni Joed.

"I don't wanna say nagka-in-love-an, feeling ko kasi bata pa kami no'n eh. I think it was more lust than love. Kasi to the day na naghiwalay kami, ang feeling ko talaga walang love eh," paliwanag ni Robby. "So feeling ko the whole relationship was based on lust."

20 years daw silang tumagal sa isa't isa at nagkakila-kilala naman ang kani-kanilang mga pamilya.

Nang magsama sila at nag-invest ng maraming condo units, lahat daw ng properties na napundar nila together ay napunta kay Joed. Inadvise daw ng nanay niya sa kaniya na huwag nang maghabol dahil isipin na lamang niya na "bayad" ito para sa kaniyang kalayaan sa relasyon nila.

Sundot na tanong ni Romel ay kung hindi ba naging masaya si Robby sa kanilang naging relasyon ni Joed?

"Hindi talaga," diretsahang sagot ni Robby. Kaya raw sila tumagal sa relasyon ay dahil may mga negosyo sila na magkasosyo. Nang sabihan daw siya ng magulang na iwanan na si Joed at huwag nang manghinayang sa pera, property, o negosyo, naglakas-loob na raw si Robby dahil sa kaniyang support system.

Nang maghiwalay raw sila ni Joed noong 2011 ay hindi sila okay at recent lang daw ang kanilang closure. Pero masasabi ni Robby na hindi pa talaga ito total closure dahil marami pa silang dapat ayusin ni Joed, kagaya ng pag-settle sa mga utang nito sa kaniyang ina at maging sa kaniya. Hindi rin sure si Robby kung ibabalik pa raw sa kaniya ni Joed ang mga utang nito sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

Pero kung tatanungin si Robby kung hahabulin pa niya ang mga utang ni Joed, sinabi niyang wala siyang gagawin dahil wafakels na siya sa pera.

Ibinuking din ni Robby na hindi niya minahal si Joed dahil first week pa lang daw sila ni Joed bilang couple ay nag-cheat na ito sa kaniya.

"I never loved him... first week pa lang namin ni Joed, nag-cheat na siya sa akin. Meron isang direktor, wala pang dalawang linggo, nagte-text sa kaniya na 'I miss you' mga ganiyan. 'Yong laman ng message mo alam mong may nangyayari na sa kanila..."

Hindi raw sinasadyang mabasa ni Robby ang text message ng direktor kay Joed, na nang mga sandaling iyon ay nasa shower at naliligo.

"Nakakadiri. Pumatol pala siya sa direktor, ang cheap." nasambit na lamang daw ni Robby.

Matapos daw ang insidenteng iyon ay lagi nang nakabantay si Robby sa mga kilos ni Joed. Hanggang sa makompronta niya ang sinasabing direktor over the phone.

Pero sa ngayon ay masaya na si Robby sa kaniyang asawa dahil kasal na siya sa kaniyang partner.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Joed patungkol sa mga naisiwalat ni Robby patungkol sa kanila.