Isang magnitude 4.0 na lindol ang tumama sa probinsya ng Ilocos Norte nitong Martes ng madaling araw, Hulyo 30, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:32 ng madaling araw.
Namataan ang epicenter nito 32 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Pagudpud, Ilocos Norte, na may lalim na 14 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang naturang pagyanig.