September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Lucena Mayor Mark Alcala, bagong manliligaw ni Kathryn Bernardo?

Lucena Mayor Mark Alcala, bagong manliligaw ni Kathryn Bernardo?
Photo Courtesy: Mark Alcala (FB), Kathryn Bernardo (IG)

Tila parami nang parami ang mga nali-link kay Outstanding Asian Star Kathryn Bernardo simula nang mag-break sila ng dati niyang jowang si Daniel Padilla.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Lunes, Hulyo 29, mababasa roon na si Lucena City Mayor Mark Alcala umano ang bagong nanliligaw kay Kathryn.

Pero bago pa man ito, nauna nang na-link kay Kathryn ang mga aktor na sina Jericho Rosales, Alden Richards, Donny Pangilinan at Dominic Roque matapos silang maispatang kasama ang aktres sa ilang okasyon at gala niya.

MAKI-BALITA: Iniintriga! Kathryn at Jericho nagja-jogging sa iisang area, magkasama ba?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

MAKI-BALITA: Alden Richards, nanliligaw na raw kay Kathryn Bernardo

MAKI-BALITA: Alden mas bet ng pamilya ni Kathryn kaysa kay Jericho, bakit naman?

MAKI-BALITA: Dominic Roque, naniningalang-pugad kay Kathryn Bernardo?

MAKI-BALITA: Video clip, kalat na: Donny nili-link kay Kathryn

Gaya ni Kathryn, galing din sa hiwalayan si Alcala sa ex-jowa nitong si Kapuso actress Ashley Ortega, na naghayag ng saloobin sa isang panayam noong Marso 2023.

MAKI-BALITA: Ashley Ortega sa breakup nila ni Mark Alcala: 'Ayaw namin ipilit sa isa't isa if we know that it won't work

Ayon kay Ashley, dalawa ang dahilan ng kanilang breakup ni Alcala. Masyado raw silang naging abala sa kani-kanilang trabaho lalo na nang mahalal na mayor ang huli. Bukod pa rito ang distansyang namamagitan sa kanila.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina Alcala at Kathryn tungkol sa nasabing intriga.