September 09, 2024

Home SHOWBIZ Blind Item

Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?

Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?
Photo Courtesy: Freepik

Isa umanong baguhang aktor sa isang TV network ang pinagtangkaang halayin ng dalawang TV executives ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Martes, Hulyo 30.

Ayon sa ulat, naintriga umano ang mga netizen sa makahulugang post ng baguhang aktor na isang Bibile verse tungkol sa daing ng mga helpless.

Kaya may mga ipinagpapalagay na tungkol umano ito sa nangyaring pananamantala sa kaniya sa isang hotel kung saan ginanap ang isang bonggang event.

Dagdag pa rito, gusto raw ng management ng TV network na huwag nang lumabas pa sa publiko ang naturang isyu.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Pero sa kasalukuyan, kumuha na raw ng abogado ang ama ng biniktimang young actor.

Samantala, tila nagbigay naman ng reaksiyon ang showbiz insider na si Ogie Diaz tungkol dito sa pamamagitan ng Facebook MyDay.

Ayon sa kaniya: “Anong muntik? May nangyari talaga Believe me. Wag na pagtakpan. Dapat ipaglaban at makuha ang hustisya para sa inabuso.”