September 09, 2024

Home FEATURES Trending

Almost 10 years in a relationship at engaged pa, pero pinagpalit sa malapit?

Almost 10 years in a relationship at engaged pa, pero pinagpalit sa malapit?
screenshot: ABS-CBN Entertainment/YouTube

Gano'n nga talaga siguro 'no? Kahit ilang taon pa kayong magkasama, marami na kayong pinagdaanang problema, naging kakampi n'yo ang isa't isa, at kasal na lang ang kulang, posible pa rin talagang mauwi sa hiwalayan. 

Sa isang episode ng 'EXpecially For You' ng It's Showtime kamakailan, ibinahagi ang kwento ni Jelly kung saan pinagpalit umano siya sa iba ng kaniyang long-term ex-boyfriend nang magpunta ito sa Canada no'ng 2019, same year ng kanilang engagement.

Kwento niya, okay naman daw sila sa kanilang first two months na long distance relationship. Pero no'ng ikatlong buwan na, nagkakaroon na raw sila ng mga maliliit na away at hindi na raw siya sinusuyo. 

Dahil sa mga away na 'yon, si Jelly na ang nakipag-break pero bugso lamang daw 'yon ng emosyon, ngunit tinotoo ito ng kaniyang fiancé.

Trending

'Ungrateful mother?' Nanay na inokray daw regalong hikaw ng anak, inulan ng reaksiyon

“Ako po ‘yung nag-insist [ng breakup] since nagkakaroon po kami ng misunderstanding. Ako ‘yung nag-iinsist na baka kailangan namin mag-reflect kung ako pa ba para sa kaniya o siya pa ba para sa akin,” sey ni Jelly.

“During that time sabi ko, out of emotion lang ‘yun, impulsive decision na sinabi ko na mag-isip, sabi ko ayusin namin. Tapos, hindi na po siya nagpaparamdam… hindi na po sinasagot ‘yung tawag ko.”

Ilang araw matapos ang naturang breakup, nag-soft launch ng babae ang kaniyang ex-fiancé, at wala manlang daw siyang natanggap na kahit anong explanation. 

Hindi na rin naisip pang puntahan sa Canada ang ex-fiancé niya dahil bukod sa mahal ang pamasahe papunta roon, wala na rin naman daw siyang aasahan na kasal.

“Bakit hindi mo pinuntahan sa Canada?” usisa ni Vhong.

“Mahal. Saka ano po, no’ng time na po kasi na ‘yon, tinanong ko naman po siya kung may aasahan pa ba akong kasal. No’ng una po, hinold back pa niya na parang hindi niya raw masasagot. Sabi ko, I have to know rin kasi para makapag-forward na ako," sagot ni Jelly.

Binigyan pa raw niya ng tatlong araw para makapag-isip, pero matapos no’n, sinabi ng dating kasintahan niya na wala na siyang aasahang kasal. 

“Doon na po ako nag-breakdown. Doon na nag-sink in na talagang wala na.”

Trauma sa pag-ibig ang naging dulot kay Jelly ng hiwalayan nila. 

Anyways, nakapag-move on naman na si Jelly at handa nang makipagdate sa searchee na si Yves, 32, mula sa Pampanga.