September 18, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Jasmine at Kylie nagpatalbugan ng flowers

Jasmine at Kylie nagpatalbugan ng flowers
Photo courtesy: Jasmine Curtis Smith, Kylie Padilla (IG)

Ibinahagi ng aktres na si Jasmine Curtis Smith ang behind-the-scenes ng salpukan nila ni Kylie Padilla sa seryeng "Asawa ng Asawa Ko" na napapanood sa GMA Prime.

Makikita sa video clip na flinex ni Jasmine kung paano sila nagpatalbugan ng flowers ni Kylie, para sa karakter na nakaratay sa ospital, na anak pala nila ng karakter ni Joem Bascon na gumaganap sa serye bilang "Leon."

Ang karakter ni Kylie ay bagong pasok pa lamang sa serye, na dating karelasyon ng karakter ni Joem sa kuwento. Si Cristy played by Jasmine ang mapapangasawa naman ng karakter ni Joem.

Bagong dagdag nga sa bardagulan si Kylie na balik na ulit sa pag-arte matapos mapabilang sa "Black Rider" nang saglit lang.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room