Magbabalik ang Hollywood actor na si Robert Downey Jr. sa dalawang bagong pelikula ng Marvel Cinematic Universe na “Avengers: Doomsday” at "Avengers: Secret Wars."
Pero sa pagkakataong ito, hindi ang karakter ni Iron Man/Tony Stark ang gagampanan ni Downey kundi ang supervillain na si Victor von Doom/Doctor Doom.
Sa ginanap na San Diego Comic-Con panel, inanunsiyo ang tungkol dito at kung sino ang magdidirek ng dalawang nabanggit na pelikula.
Ayon sa ulat ng Variety: “Robert Downey Jr. is returning to the Marvel Cinematic Universe as Victor von Doom in a new 'Avengers' movie titled 'Avengers: Doomsday,' which will be directed by Joe and Anthony Russo in their own return to Marvel.
“The directing duo is on deck to helm two new ‘Avengers’ movie: ‘Doomsday,’ which will introduce Victor von Doom, and ‘Avengers: Secret Wars,’ dugtong pa rito.
Matatandaang unang natunghayan si Downey sa “Iron Man” noong 2008 at nagwakas ang kaniyang karakter nang isakripisyo nito ang buhay niya sa “Avengers: Endgame” noong 2019.