September 22, 2024

Home BALITA National

Kahit banned na POGOs: Mga sangkot, 'di pa rin makakalusot -- Gatchalian

Kahit banned na POGOs: Mga sangkot, 'di pa rin makakalusot -- Gatchalian
Courtesy: Sen. Win Gatchalian/FB

Binigyang-diin ni Senador Win Gatchalian na kahit na-ban na raw ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa Pilipinas ay hindi pa rin nila palulusutin ang mga nagkasala kaugnay nito.

Matatandaang inanunsyo ni Marcos sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, Hulyo 22, na simula sa araw na iyon ay ipinagbabawal na ang POGO sa bansa.

MAKI-BALITA: PBBM, idineklara pag-ban ng lahat ng POGO sa PH

“Hindi ibig sabihin na banned na ang POGOs, makakalusot na ang mga may sala,” saad ni Gatchalian sa isang Facebook post nitong Linggo, Hulyo 28.

National

Habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa -- PAGASA

Inanyayahan ng senador ang publiko sa mangyayari raw na pagdinig sa Senador bukas ng Lunes, Hulyo 28, dakong 10:00 ng umaga.

Samantala, makikita naman sa nakalakip na larawan sa naturang post ni Gatchalian ang larawan ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sina Senador Risa Hontiveros at Gatchalian ang kasalukuyang nangunguna sa imbestigasyon sa POGO, kung saan naging mas naging usap-usapan ito dahil sa pagkakasangkot din ni Guo na pinagsususpetsahang isa umanong Chinese national.

Matatandaang noong Hunyo 18, 2024 ay inilabas ni Gatchalian ang isang dokumento na nagsasabing may posibilidad umanong “Guo Hua Ping” ang tunay na pangalan ni Guo.

MAKI-BALITA: Mayor Alice Guo, may tunay nga bang pangalan na ‘Guo Hua Ping’?

Pagkatapos nito, Hunyo 27, 2024 nang isiwalat ni Senador Risa Hontiveros na kinumpirma na ng National Bureau of Investigation (NBI) na iisa lamang si Guo at ang Chinese national na si “Guo Hua Ping.”

MAKI-BALITA: NBI, kinumpirmang iisa lang si Alice Guo at Guo Hua Ping -- Hontiveros

Noong lamang namang Sabado, Hulyo 13, nang maglabas ang Senado ng arrest order laban kay Guo dahil sa hindi nito pagdalo sa mga pagdinig ng Senate committee noong Hunyo 26, 2024 at Hulyo 10, 2024, kaugnay ng na-raid na POGO hub sa Bamban.

Bukod sa suspendidong alkalde ay inihain din ang arrest order laban kina Dennis Cunanan, Nancy Gamo, Sheila Guo, Wesley Gui, Jian Zhong Go, Seimen Guo, at Wenyi Lin.

MAKI-BALITA: Senado, naglabas na ng arrest order vs Alice Guo