Inilabas ni Senador Sherwin Gatchalian ang isang dokumento na nagsasabing may posibilidad umanong “Guo Hua Ping” ang tunay na pangalan ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ipinakita ni Gatchalian sa mga mamamahayag nitong Martes, Hunyo 18, ang dokumento mula umano sa Board of Investments hinggil sa aplikasyon ng pamilya Guo para sa Special Investors Resident Visa.

Ayon kay Gatchalian, posibleng si Guo ay may tunay na pangalang “Guo Hua Ping,” na pumasok sa Pilipinas noong Enero 12, 2003 nang siya ay 13-anyos.

"Alice Guo might be Guo Hua Ping, who entered the Philippines on January 12, 2003 when she was 13 years old. Her real birth date is on Aug 31, 1990," ani Gatchalian sa mga mamamahayag.

National

Rep. Cendaña sa pag-endorso ng impeachment: ‘Isara na ang bangungot na dulot ni Sara!’

"This is according to documents provided by the Board of Investments from the Guo family's application for Special Investors Resident Visa (SIRV) and the Bureau of Immigration. Guo Hua Ping's registered mother under the SIRV is Lin Wenyi,” dagdag pa niya.